Linggo, Enero 4, 2015

Halina sa Batanes!

Batanes
    













        -Ang Batanes ay isang lalawigan sa hilagang Luzon. Ito ay kabilang sa Rehiyon 2. Ang lalawigang ito ay ang pinakahilaga sa buong Luzon. Binubuo ito ng mga pulo ng Batan, Sabtang, Itbayat at iba pang mga malilit na pulo. Halos ilang kilometro na lang ito sa bansang Taiwan. Ang Batanes ay isang kakaibang lugar dahil sa kultura at kalikasang tanging kanila lamang.


Magagandang Tanawin sa Batanes

1.Valugan Beach
      - Ang Valugan Beach ay madalas puntahan ng bawat turista dahil sa puting buhangin nito.Hindi maaaring lumangoy dito dahil sa mga alon na sobrang lakas.Maaari lamang na magkuha ng mga litrato at tumanaw sa malinis na tubig.

2.Basco Light House

 
-Ang Basco Light House ay hindi lamang para sa pa-ilaw ngunit maaari din itong maging atraksyon sa mga turistang dumadating. Ito ay may anim na palapag at maaari mong makita ang kabuuan ng lugar.




3.Marlboro Hills
- Ang Marlboro Hills ay isa sa pinaka-sikat na atraksyon sa Batanes.May mga mababangis na hayop, ngunit magandang pasyalan ng pamilya. Maaaring kumuha ng litrato at maaaring magpahinga kasabay ang masarap na hangin.


Mga sikat na kainan sa Batanes

   1.Tabing Lawa Restaurant
- Ito ay madalas puntahan ng mga turistang galing sa mga Lawa, maaaring kainin ang mga gulay na sikat at mga pagkaing dagat, tulad ng seaweed soup, harmet soup at iba pa.

2.Alegres Kainan
- Ang Alegres kainan ay isa sa pinaka-sikat na karinderya sa Batanes, dahil sa sarap ng luto nila ng pinakbet. Ito ay madalas dayuhan ng mga taong mahilig sa mga pagkaing may sabaw.

Mga Sikat na tulugan sa Batanes

1. Batanes Hotel
- Itong hotel na ito ay puede sa Pampamilya sa halagang 4,999 php, libre na ang pagkain sa umagahan at mga kagamitan.

2.Fundacion Pusita
- Ito ang pinaka-sikat na Hotel sa Batangas, maaari kang matulog o manatili dito sa loob ng 1 araw sa halagang 8,328 php.


-------
        para sa kompletong detalye:
inquiries@fundacionpacita.ph.

o itawag sa:
#09274813657
#09254668571